although it is true that we speak for the students, campus newspapers should not limit their existence to only this purpose.
ang paglilimita ng isang pahayagang pangkampus sa layuning nabanggit ay hindi lang taliwas sa mismong depinisyon ng pamamahayag kung hindi isang tuwirang pambabaliwala sa ugat ng bawat sanay na mapampalaya.
hindi tayo narito para itaguyod ang pakikibaka ng kung sino man -- indibidwal man o sektor. kaya't maging tama man ang paninindigang itinataguyod natin ang karapatang pang-estudyante, ito ay bahagi lamang ng isang mas malaking layunin.
ang tunay nating ipinaglalaban at itinataguyod ay ang katotohanan.
tayo ay nagiging boses ng mga mag-aaral hindi dahil pumapanig tayo sa kung anumang layuning mayroon sila. at lalong hindi dahil bahagi tayo ng sektor na ito. ang dahilan kung bakit natin isinisiwalat ang mga kuru-kuro at hinaing ng mga estudyante ay dahil may boses na nakikitil.
at ang pagkitil na ito -- ang pagkitil ng isang balido at makabuluhang boses na maaaring makapagpabuti, makapagpabago at makapagpapaunlad sa kasalukuyang sitwasyon -- ang tinatanggihan at pilit sinusupil ng isang pahayagan.
kaya nga't sa pagkakataong naiisantabi ang karapatan ng isang manggagawang kontraktwal, isang miyembro ng pakuldad na di-makatarungang inaakusahan ng pagnanakaw intelektwal at isang administrador na nagsambulat ng mga maling kalakaran sa sistema, naroon palagi ang mga mamamahayag pangkampus.
kung gayun, ligtas kong masasabi na bunga ng isang makitid na pag-iisip ang prinsipyong pangmag-aaral lamang ang mga pahayagang pangkampus.
kung tutuusin, sa tunay na liberal na pananalita, walang katagang "campus journalism." ang meron lang ay "journalism" -- "ang pamamahayag." ang "campus" ay isang lamang qualifier na tumutukoy sa normal na saklaw panlugar (geographical, proximal) ng mga isyung natatalakay sa pahayagan at hindi isang kategorical na pantukoy (bersus pahayagang pambansa). kaya nga't sa mga kasong mayroong isyung may kinalaman sa mga Lasalyano ngunit malinaw namang nasa labas na ng mga bakod ng pamantasan, hindi tayo nag-aatubiling isinasama ito sa ating balita (o kaya'y lathalain). ang proseso ng asignasyon ay ginagawa lamang sa dahilang pang-ekonomiko, aspetong pagmamalakad at pagbibigay focus.
isang kabalintunaan na kagustuhan nating pangalagaan ang ating kredibilidad sa pamamagitan ng hindi pagkilala sa ating mga kakulangan at sa kagustuhang iangat ang ating sariling pangalan, nakalilimutan natin ang ilan sa mga pinakamahalagang tenets ng ating pagiging mamamahayag.
Tuesday, October 19, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
gusto ko ang post mo kuya toni. hmm... basahin mo ung post ko ngayong araw na to.. deeaye
Post a Comment