Thursday, February 24, 2005

pulis patola

bureaucracy… ah… the f___ing bane of Philippine society. When my mother texted me yesterday, congratulating me for doing a good job by actually staying alive living alone, I was… umm… less than excited. “Welcome to the real world,” she said in Filipino. And today, I see why I have so much qualms about growing up and being part of the “real world.”

for those who had the time to waste and have actually been reading my blog, it is not news to you that I’ve been living solo for about 2 weeks now. Yes, pathetic I know. For some people I know who are younger than me and are dormers, the words that may come to mind are: errrr… tell me something I don’t know… (yep, pathetic isn’t it?).

anyhow, this post takes a break from those domestic matters I concern myself too much with for the past few days and instead will venture into a subject that should be placed more appropriately in an editorial column (miss ko na magsulat ng column… *sigh*).

so here it goes.

matapos ang nakapanggigigil na trapik sa ilalim ng nagbabagang init ng araw, dumating ako sa Port Area ng mga alas dos y media ng hapon. Nandun ako para asikasuhin ang permit para sa Infest na nagpapaalam para sa amin upang isara ang isang bahagi ng Fidel A. Reyes, o mas kilala natin bilang Agno.

hindi naman talaga ako dapat pumunta doon dahil una, ang request namin ay nakaaddress sa Manila City Hall kaya sila na dapat ang umasikaaso noon kung magkataon man na marami itong dapat daanan (mula sa Office of the Secretary of the Mayor, “inindorse” /ipinasa kami sa Permits Bureau tapos sa Records Bureau tapos sa Traffic Bureau tapos sa Engineering Group). Ikalawa, sabihin na nating di maiiwasan na kailangan kausapin mismo ang mga iba’t ibang bureau, ganon ba kahina ang kokote nila para hindi maintindihan yung diagram na pagkalinawlinaw na pinaghirapan pa naming idrawing at kailangan pa naming pumunta doon dahil daw “mas mabilis kung personal naming dadalhin doon ang request namin”? Mga hunghang! Ilang beses ko bang uulitin na magpartner ang Cityhall at ang Plaridel. Wala bang weight yun sa pakikitungo sa amin? At ilang beses ko bang uulitin na next week na yung event at matagal na naming dinala ang request naming sa cityhall (by the way ms Ailyn, mabait ka at pwede kang pumasok na operator sa call center sa boses mo pero naiinis ako sa iyo dahil kailangan pa naming kulitin ka nang dalawang linggo para lang umurong yung request namin? Ayos lang naman kung dineny niyo kami kaagad, at least di na namin kailangang umasa.)

at nang dumating na ako sa engineering group, nakita ko ang isang pulis na ang itsura ay parang pinantulog niya ang uniporme niya, hindi naka-tuck at nakabukas ang pantaas, nakikipagkuwentuhan at siyempre, bundat ang tiyan. Manila’s Finest nga!

TONI: Boss, tanong ko, dito po ba yung sa engineering?
BOBO: O bakit? (iritang sagot)
(Aba! Ang bastos sumagot. Lalong nag-liyab ang nag-iinit ko nang ulo. Pero kailangan kong maging magalang. Pulis ito at may kailangan ako sa kanya.)
TONI: Ah eh, ako po yung taga-Lasalle, I-pafollow up ko lang po yung request namin.
BOBO: Sa La Salle? Wala namang galing sa Lasalle ah? Ano kelangan ninyo?
(pun_e_a! Kasasabi lang kanina nung kausap ko sa telepono, dumating na dito. Pati yung desk officer, sabi niya, nandito na raw)
TONI: Ah eh… (nagpipigil) ah, kami po yung nagrerequest na ipasara yung street na malapit sa skul.
BOBO: E kahapon lang dumating yun e. (kanina, wala, tapos ngayon, natanggap na pala. At kahapon pa.)
BOBO: Boy, (T_NG-__A!!! WAG MO AKONG TAWAGING BOY, mama na ako! At hindi ako messenger!!!! Estudyante ako ng La Salle! Mukha lang akong messenger… Pero estudyante ako!!!), Hindi ganun kadali yun! Kailangang pirmahan pa yun. (e bakit di mo pa pirmahan?)
TONI: Umm boss, (hawak na ang bolpen at handa nang ipangtusok sa kausap na pulis), next week na po kasi yung event. Baka pwede namang maasikaso (kaysa na nakatunganga lang kayo diyan at nakikipagkwentuhan!)
BOBO: Boy (HUWAG MO NGA SABI AKONG TAWAGING BOY!), lahat ng mga nangyayari sa Maynila, dito dumadaan. E ilan lang ako? (BOBO!!! Kung nag-iisip ka, di mo dapat gawing rason sa akin yan! Mas lalo ka tuloy nagmumukahang bobo! Baka nga bobo ka! BOBO!!! Bakit di kayo magdagdag ng tao o magpalaki ng opisina?! At kanina, nakikipagkuwentuhan ka lang! At kahapon pa dumating ang request namin! Nang umaga!)
BOBO: Eto nga, (tinutukoy ang babaeng kadarating lang at may dalang mga papeles), nung isang linggo pa. (Aba! Ipagmalaki pa?! BOBO!)

tinawag niya ang isang kasama at pinahanap ang request namin. Nang hindi mahanap ng kasama, siya na ang naghanap (at mabuti naman. Kaya lumalaki yang tiyan mo! Dahil wala kang ginagawa!)

at matapos ang halos 10 minutong paghahanap (e di ba dapat ay may folder kayo ng incoming at outgoing documents?) lumabas siya daladala ang request namin.
Ipinakita niya sa akin ang request naming at sinabi
BOBO: ayan nga o, wala pang pirma ko. (BOBO BOBO BOBO!!!! Sige, ipagmalaki mo pa!)

kung nagtataka ka kung bakit walang mga salitang nanggagaling sa akin, ito ay dahil pinili ko nang tumahimik at baka mapaaway lang ako.

BOBO: O sige, balik ka bukas, mga alas diyes.
TONI: Salamat po boss. Sige po, balik na lang ako bukas. Pasensya na po sa abala.

words of advice… find the person who hired you as soon as possible and have yourselves ran over by the LRT para malaman ninyo ang ibig sabihin ng “bilis” at para na rin mabawasan ang mga bobo sa mundo! malaki kang kahihiyan sa tsapa mo, sa buong kapulisan at sa pamilya mo, kung meron ka man.

*ummm… with all the expletives i’ve said here, i doubt it if anyone would let me publish it as a column. oh well..

remember that in public service, there are (should be) no excuses.

some people may find it strange that i am able to hold such terrible amount of rage against a person in uniform when in fact, my mother’s a police officer. well, i want you all tol know that my mother’s of the good-cop kind. even she has her own grievances against the police force. sometimes, she would tell me stories of PO1’s and PO2’s who live extravagantly, sporting high-end cell phones and two to three cars. not to mention that they are able to support a family of 7 with their small salary, who knows where they are getting the money to spend for all these stuff. but although suntok sa buwan ang mangarap ng pagbabago, she does her best, with the little that she can to remedy some of the problems.

and for this, she was awarded a number of times, including an award or two for the most outstanding policewoman of the year. and yesterday, I got from her office in her behalf the letter informing her that she passed the NAPOLCOM exams and is now up for a promotion to the rank of Captain.

you’re the best mama(ko)ng pulis.

so there, a summary of my day. Pat, sorry for the theatrics. just wanted to let it all out. And about the permit, i’ll have it tomorrow. sorry for the delay.

-----

pahabol:

so… to make up for the horrible day, i cooked myself salpicao. living alone usually takes away the joy in food and eating. why prepare something special when all you want is to fill yourself up with anything edible. thus, i’ve been living on leftovers and canned goods. or kung minsan, bumibili na lang ako sa BeeLiJo o sa turu-turo. the last time i cooked something that one can actually call food (it was sinigang by the way.. yummm,,) was last last Sunday when mama came home from Bulacan. ngayon, nagluto ako para naman makabawi sa sarili ko. (sayang, sana, mas marami yung bawang)

yun lang. just wanted to share what i had for dinner.

No comments: