i have less than 1 week until the Deadline (with a capital "D")... the day which will decide the fate of the rest of my life. and what do i do? i blog. yes, you heard it right, i blog. (well, you're reading it, aren't you?)
sorry, parang galit. galit talaga ako. pero sa sarili ko. consider yourself, dear reader, a helpless victim to this vicious release of pent up emotions by a miserable schmuck desperately pretending to be a writer .
sir groyon's comments on my previous sequence treatment:
- no story yet.
- still no story.
- all expostion, still no story.
- artificial plot structure.
- huh?
- huh?
- describe concrete things - action, incident, appearance, dialogue.
- huh?
- lots of local color, no story.
- the preponderance of corpses and accidents is getting too unbelievable at this point.
- huh?
- review plot structure.
- establish character's goal.
- rethink incidents in terms of logic and realism.
- huh?
- huh?
- still no story.
- huh?
- how do you want this to end?
- huh?
- huh?
- you've totally lost one.
- huh?
- huh?
- still no story.
why, oh, why toni? ano ba ang pumasok sa isip mo at screenplay ang pinili mong thesis?
and i stare at the sea of index cards wherein i have written all the events that are suppose to happen in my story wondering, "what now?"
first problem: nagpupumilit ako magsulat ng meta-narrative. e simpleng plot structure, di ko magawa.
second problem: i can understand English. but i only have a functional vocabulary of what... about 30 english words. paano ko idedescribe yung actions, incidents at appearance? e sa verbs, ang alam ko lang, go, stop, jump, kick, sit, fetch. sa adverbs, desparately, unfortunately. sa adjectives, big, small, sad, happy. yun lang.
third problem: rethink incidents in terms of logic and realism? e naniniwala nga akong may alaga akong stuff toy na nagsasalita. at sabi ko, pusa siya kahit ang sinasabi ng buong mundo ay aso siya. (rover, 'wag ka maniwala sa kanila. ikaw ay isang pusa kahit ano pa ang sabihin nila.)
fourth problem: establish character's goal? e ako nga, wala pang plano para bukas.
fifth problem: closure sa story? e itong post nga lang na ito, di ko alam kung paano ko tatapusin.
God, i need help.
*sigh*
oh well.
end.
period.
.
period.
8 comments:
Di ko natiis, kahit manhid ka.
Hindi naman yata ikaw ang problema, kundi si Groyon. Halatang hindi niya nasasakyan ang gusto mong gawin. Palibhasa dahil ito'y kakaiba at makabago. Hindi mo pa ba nakikitang "old school" ang estilo ng lola mo? Baka naman dapat ka nang lumipat sa isang tagapagpayo na makakaunawa sa gusto mong ilikha.
Binabawi ko ang sinabi ko dati. Manunulat ka, pero siguro hindi lang handa ang mundo na tanggapin ang likha mo.
Isang tanong: Bakit kang nagpupumilit na mag-Ingles, kung ang wikang nakasanayan mo ay Filipino? Dahil ba bobo si Groyon pagdating sa Filipino? Magpakatotoo ka na, at maghanap ka na ng bagong tagapagpayo.
ayaw ko nang tumakbo. lagi na lang ako tumatakbo. kailangan ko matutong harapin kung ano ang meron sa ngayon. di pwedeng lagi na lang tatakas kung pakiramdam ko ay di ko na kaya. kailangan kong lumaban. o kung hindi man, kailanang kong matutong makibagay, mag-adjust sa circumstances. at kung piliin ko mang tumakbo, huli na. may anim na araw na lang ako. siguro, gagawin ko na lang ang nasabi mo. magpi-Filipino na lang ako. salamat sa iyo. pasensya na rin kung pikunin ako. mahina lang kasi ang ego ko. inferiority complex. sana'y maintindihan mo. salamat ng labis labis.
Payagan mo akong mag-Ingles sandali: "It is better to run and fight another day."
Hindi porke't magpapalit ka ng tagapagpayo ay ibig sabihin tinatakbuhan mo ang laban. Gagawin mo pa rin naman ang sinabi mong gagawin mo, pero sa ibang larangan. "On your own terms," 'ika nga.
Aminin mo na na di ka natututo diyan sa Groyon na yan. Magpalit ka na habang di ka pa nababaliw sa pagbabago ng iyong sarili. Hindi niya nasasakyan ang kakayahan mo. Bakit mo pipilitin?
At naiintindihan kita. Magugulat ka siguro pag nalaman mo kung gaano kita naiintindihan. At kung gaano ka kahalaga sa akin. Manhid ka pa rin. Pero OK lang sa akin yun. OK na labis labis.
ang problema ko naman ngayon ay wala ng susunod na araw, wala ng "another day to fight". hayaan ninyo rin akong mag-ingles ng sandali. "i have my back on the wall and there's no more space where i can run to." dalawa na lang ang opsyon ko, zero o pasado. di na ako paaaralin ng magulang ko matapos ang term na ito.
salamat po. kung sino ka man ms./mr. anonymous. sana'y makilala kita upang mapasalamatan kita ng personal. o di kaya, mailibre man lang kita ng pananghalian. salamat po dahil mahalaga po ako sa inyo.
kuya toni-tots,
haayy, ish okay...its just that sir's kinda hard to please and maybe its because he really wants you to finish a good screenplay.
on the other hand, forget what I said. change your story. or change your mentor. choose.
ps. natawa ako sa mga comments niya. first time revision ba? haayy...
goodluck sa yo.
angelonearth: gela? (anghelsalupa?)
"I have my back against the wall." Pag "on the wall" ibig sabihin nakahiga ka sa pader.
Kung ganoon na nga ang mangyayari, wala na akong magandang balita na maipapahiwatig sa iyo. Wala ka na ngang panahon. Matatapos na ang trimestro.
Kung sa bagay, hindi naman ganoon kahalaga ang makatapos ng kolehiyo. Maraming taong nagtagumpay kahit na wala silang diploma.
Ang alam ko lang ay isa kang matalino, masipag, at mabait na tao. Tumatagumpay ang mababait sa huli, may diploma man o wala.
Sana'y manatili kang mabait, Toni. Basta magsulat ka na lang nang magsulat. Makikita din nila ang kakayahan mo. At magmumukha silang tanga dahil hindi nila napansin ang galing mo.
Magkikita din tayo siguro ulit. Sana pag nangyari yun, mapapansin mo na rin ako.
Walang walang anuman yun.
"I have my back against the wall and there's no more space where i can run to."
sorry. kita mo na, ni isang matinong sentence lang, di ko masabi (maisulat) ng tama.
hay...
Post a Comment