Thursday, April 14, 2005

sira

bwisit! kung kailan pa ako nagtitipid, saka pa nasira phone ko! bwisit! bwisit bwisit! sa mga mahal kong kaibigan, kung kayo ay nagtext sa akin at di ko pa kayo narereplyan, hindi ako suplado. hehehe. obvious ba? =) shet, galit nga pala ako dapat sa pesteng phone na yan. okay, galit mood ulit. sori po. sira po kasi ang phone ko. namamatay siya ng kusa at minsan ay tuluyang di na nabubuhay kahit anong gawin ko. kaya kung may mahalaga po kayong mga bilin, katanungan, o kung anu pa man, macocontact ninyo po ako sa (02)9292398. ito po ay sa bahay namin. pero since nasa trabaho ako madalas, at wala kami madalas sa opisina (nasa field work), pakitext ninyo na lang ako sa gabi. kung minsan kasi, sinusumpong ang telepono ko at bigla na lang gumagana kapag gabi. kapag hindi pa rin ako nakapagreply sa text ninyo sa matagal na panahon, baka tuluyang hindi na nakarating ang inyong mensahe dahil matagal na nakapatay ang phone ko. o kung makapaghihintay naman kayo at maaring maipaalam ng mas maaga, maaari ninyo pong i-email sa toni_cuesta@yahoo.com o sa tonicuesta@gmail.com ang inyong mga mensahe. o kung okay lang naman malaman ng iba ang message ninyo, kahit dito na lang sa blog. =) o kung gusto ninyo rin subukan, pwede ninyo na lang isigaw ng napakalakas ang inyong mensahe at baka sakaling marinig ko. isisigaw ko rin ang sagot ko. hehe. huwag ninyo nang subukan ang smoke signel. di ako marunong bumasa ng usok, unless the message is in bisaya. =P

kaya.

sa mga mapera at may ginintuang puso diyan, may isang tao ritong higit na nangangailangan ng cellphone. hehehe. siyempre, bibilhin ko naman ano! hindi naman ako ganoon kakapal. minsan lang. hehehe. or kung may alam kayong mapagkakatiwalaang repair shop ng nokia 6110 (tama ba ung modelo? basta, yung model ng nokia na gamit ko lagi na hindi naman akin at ngayong nasira ko ay malamang ay patayin ako ng tunay na may-ari kaya sana ay huwag niya muna malaman), palagay naman sa COMMENTS kung saan sila matatagpuan. maraming shalamaht! =)

bow. =)

9 comments:

Anonymous said...

hmmm.. ang alam ko meron dito sa southmall. SEMICON, baka may ibang branches sya. dun nagpapa-check madalas ng phone si mama...

mmm.. di ko po masyado matandaan itsura ng fone na ginagamit mo, pero im pretty sure it's either 8210 or 8250... may slight diff lang kasi un dalawa. =)

makakarating ka po ba sa gawad tom? sana... =)

see u sa yearend! hehehe... ingat lagi at goodluck sa work. =) *hugs* =)

Anonymous said...

5110 na lang ulet...!

freaky... nagpost ka ng number sa website mo... baka maging prone ka sa pranks... pero sige kaya mo yan. hehehehe! ü

Anonymous said...

good luck sa work.

*choi*
*masterchoi.blog-city.com*
(post ko din yung nauna, naputol lang ehehe)

CIE said...

grabe! i love your entries i agree dun sa twenty somethings

toni cuesta said...

cyreene: tama. 8210 pala ung phone ko. hehehe. southmall? di ba sa las piñas yun? ang laaaaaayyyyoooooo... hehehe. joke lang. =) i've been to farther places. at no need na rin. ayos na phone ko. weepee!!! pero minsan, sinusumpong pa rin.

lech, nakakainis. nagrereply ako sa comment mo pero alam kong di mo naman ito mababasa until tuesday. walang magawa (although i'm supposed to be making a PR plan for ART Petron and KPMG). did i say tamad? (did i just say "did i say tamad?"? konyotik ah! hehehe)

hay... sana nakasama ako sa yearend... ang lungkot dito...

hug (sa tuesday... kapag mabasa mo na ito...) ):

choisky: ok lang yun choi. kung may tatawag man sa bahay, wala rin namang sasagot. hehehe. bali wala rin yung pangpaprank niya. hehe. at sino ba namang tao ang magtatiyagang manloko sa dis oras ng gabi / umaga? hehehe. at kaunti lang naman ang nakakaalam ng site na ito kaya alang problema. =) ingat choi! =)

cie: central intelligence egency? bisaya ka man dong? hehehe. shux, dumadami na ang nakakaalam ng blog ko. i should start writing sensible posts! =)

welcome to piping kulisap cie! =)

Yayan said...

K lang yan...

Awesome~~~ (",)

interesting blog entries...

keep on bloggin'

carpe diem!

http://billryan.blogspot.com

toni cuesta said...

yayan: nakakatuwa ka naman. template yung mga comments mo sa mga blog. how did you learn about my blog at rc's? welcome to piping-kulisap. =)

Anonymous said...

hehe....yan kasi kuripot magrely!!! Suplado kasi....hehe!!!

toni cuesta said...

anonymous: hindi po ako kuripot magreply unless ayoko magreply sa taong nagtext. at hindi po ako suplado, unless ayoko yung tao. text niyo po ako minsan, tingnan mo, magrereply ako. =)

welcome to piping-kulisap anonymous. =)