3 things.
1. Wisdom in a box
kung pwede blue. tapos microwavable para may pangmerienda na rin ako sa mga panahong gumagawa ako ng thesis ng alas kwatro ng umaga at gutum na gutom na ako. at sana, yung di mabilis mabasa at di takaw langgam. anung use ng wisdom kung ngangatngatin lang din ng anay di ba. at sana, may manual para gamitin yung wisdom. pero wait, kung may manual pa, e di hindi wisdom yun dahil kailangan mu pa ng instructions. i rest my case. kulang ako sa wisdom.
2. Amnesia in a bottle
kahit yung 500 mL lang. baka masyadong mahal kasi yung 1 Liter. tapos kung pwede, yung tipong selective yung memory na pwede niyang burahin. ayoko namang maging bobo. at saka sana, yung greaseless. kasi, pagagalitan ako ng nanay ko kung magkakalat ako ng mga traces nung potion at baka pati ako, makalimutan niya kung sino. baka palayasin ako nun sa bahay. eto pang galit na galit siya sa akin ngayon. uulitin ko, amnesia in a bottle. hindi yan genie in a bottle. wala namang genie.
3. Rewind button for Life
yun tipong dvd rewinder. yung mabilis. kasi, masyadong matagal kung tipong yung sa VHS. imaginin mo, 21 years, irerewind mu, e di inabot ka nang siyam siyam nun. maganda rin kasi kung tipong sa dvd dahil may titles yung chapter. tipong: isinilang si toni, nasira ang bisikleta ni toni. natutunan ni toni ang pag-ibig. isinumpa ni toni ang pag-ibig. muntik nang masiraan si toni. may nakilala si toni. umasa at muling nabigo si toni. yung ganun. at sana, batteries included. magreregalo na lang naman, sana, siguraduhing gumagana naman di ba? at sana, rewritable. at walang quick retrieve button. para totally burado na!
sana ay tulungan niyong maging masaya ang buhay ko dahil ako mismo ay di ko na alam ang gagawin ko. di ba nga, Christmas is a time of caring? sana, may nagke-care pa sa akin sa mundo dahil ako mismo, malapit na akong mag-give-up sa sarili ko. salamat.
btw, kahit wala nang wrapper at ribbon. basta may magbigay lang. masaya na ako.
Tuesday, December 14, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
kung kaya ko lang ibigay 'tong mga 'to. ibibigay ko po.. pero kaw lang naman ang makakapagbigay nyan sa sarili mu e.. tc po!
zowee... dobol zowee
-rc
kawawa k nmn... hehehe... joke lng... ako rin sana mkreceive ng gift.. khit wlang balot.. hahaha!!!... mgpray k n lng bka lumabas c santa s chimney nyo s christmas eve at bgyan k ng gift..
take care!!!
Post a Comment